TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR DICK GORDON
27 September 2007
ON SHOUTING INCIDENT AT GOCC HEARING[COA Chairman Guillermo Carague]
GORDON : Biglang-bigla yung incident. Biglang pumutok, biglang nawala.
Ang ganda-ganda ng hearing. It is a hearing about oversight na matutulungan nga ang COA and then I think he (COA Chairman Guillermo Carague) was having a bad day, mali siguro ang gising, bigla na lang nagsisigaw doon, medyo nagmura pa pero hindi ko na pinatulan. Nang umalis na siya ang sabi ko sa kanya "No you can not leave" then I told him "I will put you in contempt". Lumabas siya kaya pinahuli ko siya tapos bumalik siya then he apologized. Ang sabi "I'm sorry" and he said "Hindi tama yung ginawa ko". Sabi pa niya "Dick I really am sorry, I don't know what happened to me and I apologize". Ang sabi ko walang problema d'yan. Nasa record naman yun.
Q. Tungkol sa budget ang problema?
Gordon: Ang problema lang talaga, ang COA ay kulang nga sa tao kaya napag-usapan yun sa ARMM. Halimbawa nga yung namatay na taga-COA doon-- apat na tao na raw ang namamatay. Ang sabi ko ibigay mo sa akin at iimbestigahan natin. Hindi naman namin tinutugis ang COA. Ang akala niya tinutugis, pero hindi naman naming tinutugis. Tinutulungan panga namin. Kaso ang nangyari ay nagsisigaw na siya doon. Nagulat ang lahat and I think he as been overly defensive about COA because ang pinag-uusapan nga doon ay yung oversight sa government corporations. Pinapaliwanag ko lang kung ano ang dapat gawin sa government corporation para mawala yung mga abusado at katulong naming ang COA. Pero ang parang ang take niya doon ay parang naki-critize yung COA and then biglang tumaas ang kanyang boses, tumayo at magwa-walk-out na. He was calling the Senate all kinds of names. What happened to him, I don't know. Even his people were apologetic and everybody in the committee ay nagulat din.
ON ZTE AND ABALOS IMPEACHMENT
Gordon: Yung kontrata ay talagang dapat ibasura sapagkat tainted na yung kontrata dahil may sumigaw na may nag-o-offer ng pera. To my mind this contract should not even be suspended, dapat ito ibasura na itong kontrata sapagkat punong-puno ito ng butas.
This contract is poisoned all together. It is toxic already.
Q. Sir do you have more than enough to recommend the prosecution of….?
Gordon: I think I have enough to show circumstantial evidence that Ablos is out of line. Si Abalos ang dapat na pag-usapan natin. Sa palagay ko mayroon tayong supisyenteng rason (suffiecient reason). Sa akin hindi a-admit si Abalos so saan natin siya hinuli? Hinuli natin siya sa circumstantial evidence. Ang tanong ko sa kanya, "Sunod-sunod na buwan nasa China ka na dapat ang trabaho mo ay sa Comelec. At that time na yan rin sunod-sunod na nini-negotiate yung ZTE. Pangalawa, dalawang kaibigan niya ang nagsasabi, sabi pa niya family friend—si Joey de Venecia. Sinasabing niya na tumanggap ka ng $10M at humihingi pa ng karagdagan. Bakit hindi niya sinumbong sa tatay niya (Speaker de Venecia) Ang sabi niya naaawa daw siya sa doon sa matanda. Pangalawa, inaakusahan siya ni Neri na nag-o-offer siya ng 200. Samakatuwid may pattern.
Halatang-halata na talagang may nangyayaring hindi maganda because bakit pupunta ang Chairman ng Comelec buwan-buwan sa isang bansa na nag-o-offer sa atin at bakit yung ino-offer na yun ay ang hinahabol ni de Venecia na siyang nag-ooffer ng $10M. Mahirap ipaliwanag yun. Sinasabi mo nag-golf ka, paano ka naggo-golf eh Comelec ka at bilang opisyal ng gobyerno hindi ka dapat tumanggap ng libreng palaro o tiket sa larong yan. Sa nangyayari ngayon, wala na itong ZTE na ito. Hindi na pupwede yan at panahon na para habulin na ang mga taong iyan.
Q. Sir, malinaw na Abalos can be impeached?
Gordon: Yes. He can be impeached.
Q. What ground?
Gordon: Yang mga allegation ng bribery. Even to offer a bribe is already punishable under the anti-graft law. And you don't need guilt beyond reasonable doubt in an impeachment case.
Q. So, if the impeachment reaches the Senate you will vote for his impeachment?
Gordon: So right it will appear to be kaya nga kung ito ay darating sa impeachment I would have to be the Judge kapag umabot dito so I will hold judgment. Ang tinanong ninyo sa akin kung may kaso ba? May kaso. And he has to prove his innocence. Para sa akin mabigat yun, kapag nag-offer ka sa isang taong katulad ni Neri, ibig sabihin nag-offer ka rin sa iba. May inoperan pang iba.
Q. Yung taong inoperan may kaso?
Gordon: Hindi naman tumanggap. Pag tumanggap yun, both the bribe-giver and the bribe-taker are liable. Kaya nga sinasabi dito the bribe-offerer has already committed a crime. Crime na yung pag-offer na yun.
Q. Sir, si PGMA hindi ba siya accountable dahil lumalabas na alam niya yung bribery?
Gordon: The Comelec is a constitutional body. Sinumbong sa kanya(GMA) ni Neri na may ganoong pangyayari. Dapat ang ginawa niya is to write a formal letter to the Comelec and say, "Bakit ka nag-o-offer ng ganyan?" Kung ako yun, ganoon ang gagawin ko. All my life, as an executive, kapag may nagsumbong sa mga tauhan ko o sa mga tao ng gobyerno, tatawagin ko yan at ihaharap ko yung nagsusumbong lalo na kung miyembro ng political family ko yan.
Q. Sir, kung bigla bang magresign si Abalos pwede pa rin siyang habulin?
Gordon: Yes. You are liable for all your acts as a public official.
Q. Sir, sa tingin ninyo si Abalos ay walang balak mag-resign?
Gordon: Hindi magre-resign yan.
Q. Kapalmuks talaga?
Gordon: Hindi dahil doon. Dahil abugado siya akala niya makakalusot siya eh. Sa impeachment malakas na yan. Maybe sa criminal kulang pa pero sa impeachment, malakas na malakas na yan.
Alam nyo hindi masa-satisfy ang publiko kung walang babagsak dito. Hindi na pwedeng itago ito. The genie is out of the bottle. Masyadong maraming beses binanggit si Abalos. Nagbiyahe buwan-buwan. Paano itatago sa House yan. Bakit ka sinasabihan ni Neri at de Venecia na nagbibigay ka. At hindi naman niya aaminin na ginawa niya yan.
Q. Kailangang managot pa rin?
Gordon: Yes. Kailangang managot. Ako kahit si Erap, pardon cannot be issued against him. Hindi pa tapos ang proseso. Tapusin muna natin.
ON NERI EXECUTIVE PRIVILEGE
Q. Sir yung kay Neri should he be cited by the Senate for contempt for citing executive privilege?
Gordon: Yung executive privilege na sinasabi ni Neri only holds in so far as question hour. This was not the question hour. Ngayon kung executive privilege ang –isa-cite niya, it is not valid. Walang national security considerations. Walang problema doon sa government relations with another country. Wala tayong mahalagang bagay na hindi ilalabas muna sapagkat may negotiations. So he cannot invoke executive privilege. That is why the Chair, Cayetano should not have allowed him to invoke executive privilege.
Q. So nagkamali siya?
Gordon: Yes. Mali siya doon.
Q. So you will compel him to answer (Neri)?
Gordon: He has to answer. In fairness to Sec. Neri, remember by saying this, he is endangering his family. Malaking problema yan. Dapat nga mahalin natin si Neri. There are two events that have happened here. Una, nakulong ang isang presidente. Pangalawa may cabinet member na nagsabing bina-bribe siya. Iyan ang sinabi ko sa aking talumpati na bubugso ang maraming complaint laban sa mga high officials of the government dahil sa conviction ni Erap.
Q. May rekomendasyon si Sen Mirrian na i-refer na lang sa Ombudsman itong NBN?
Gordon: Alam mo kung talagang tutuusin, tungkulin ng Ombudsman pero ang Ombudsman ay medyo mahihirapan. Kung iri-refer mo ito sa Ombudsman ayun maraming mananagot dyan. Si Joe De Venecia, si Abalos. Kapag ni-refer mo naman ito sa impeachment, you don't need guilt beyond reasonable doubt. Boto lang ng Congressman ang kailangan diyan at madali na yan.
Q. Papasa kaya yun sa House?
Gordon: Bakit naman hindi. Again these are times where we test character. Itong mga panahon na ito, this will be a test of character for the members of the Lower House and the Senate. Masama ba sa character ko kung tatahimik ako kahit mali na ang ginagawa ng isang testigo? I think mali 'yun. Hindi naman ako nagtatanong para maging popular sa tao. Kailangan magtanong ng tama. Out of character ba sakin na nag-waive yung isa at ako ay hindi nag-waive, hindi mo ako pagsasalitain?
Q. Sir, yung nangyari sa inyo ni Sen. Cayetano..?
Gordon: Maganda yung usapan namin, tinatanong ko siya kase naliligaw tayo. Siyempre pagnaka-TV maraming nagpi-play on TV. Binabalik ko lang to what the hearing is all about. Sinabi ko at inulit ko yan. I know that tinatanong ko lang siya, parang advise sa kanyang indirectly na don't lose sight of the meeting. Gusto nating malaman ng tao kung appropriate itong contract na ito, if this contract follows the law, if there were violations of the contract or may mga kalokohang ginawa yung mga nagnenegotiate ng kontrata.
This contract ay kinuha lang dahil pinapautang tayo ng mababang interest pero ang kanilang kompanya ang kanilang payayamanin. Hindi kailangan ng gobyerno at tao ang kontratang ito. Ang dapat unahin natin ay, ipagawa natin ang PGH, bawat region dapat may PGH. Dapat umutang tayo para magkaroon ng computer ang bawat eskuwela at ma-computerize yung election. Dapat ayusin ang education natin. Yun ang dapat pwede natin utangin.
Kung inoperan (offer) si Joey de Venecia, Sec. Neri therefore inoperan din yung iba. Kung sino ang mga iyon hindi ko alam and that is why kailangang ibasura na itong kontratang ito.
Q. Nothing personal dito kasi second time na kayong nagbanggaan ni Cayetano?
Gordon: Ang problema kasi, yung Rules ng Senate malinaw. Katulad kahapon tuloy-tuloy ang hearing. Ang gagawin nila noong isang araw ay they are in effect going to violate the rules. The rules says at 3 o'clock we call all committees stop at ang mauuna ay yung legislative meeting lang, may session na. Ang nangyari ititigil yung hearing pagkatapos itutuloy ang session tapos isu-suspend uli yung session. Pinapakita at pinapaliwanag ko yung rules pero ayaw niyang makinig.
Kahapon, nang magtatanong na ako sasabihin ni Sen Pimentel "Ako muna," ang sabi ko, "Sige". I always give way. Papasok si Sen Pangilinan, sige I will give way. Pero kung panahon ko naman at magtatanong ako, wag mo akong iba-bind doon sa waiver ni Sen. Enrile. Kung nag-waive sila, that is their privilege. I have not waived. I was not going to waive, the question that I wanted to ask I think was very, very important.
The Chairman had no right to assume that I had waived my right. Kaya kami nagkaroon ng banggaan kagabi. Wag ninyong masamain iyon sapagkat yun ay part of the rules. Kailangan kapag nag-imbestiga tayo, yung rules natin ay sinusunod natin. Sapagkat kung wala nang rules ay talagang magulo. Kaya pinagsabihan ko. Seguro hindi ka nga nag-chair dati, hindi mo binabasa yung rules, I'm sorry I had to say that because medyo sinabi niya na "I was quibbling". I'm not quibbling. We live here by the rules.
END
No comments:
Post a Comment