Tuesday, October 9, 2007

Impeachment vs GMA

Excerpt from ambush interview on October 9, 2007

ON IMPEACHMENT ISSUE

Sir, anong implikasyon na taga-KAMPI yung namimili ng boto…?

SEN. GORDON: Sa akin, kung sinasabi ni Ka Bel yun then he should file a case against them. That is the best way, kase speculative lahat yan. Pwedeng sabihin ang kahit ano until you are serious about it. Pag-file mo ng kaso. That is bribery.

Kahit tinanggihan?

GORDON: Kahit na tinanggihan. The mere offer is bribery already.

Yun taga taga-Kampi would…?

GORDON: I don’t know the guy so I can not comment on that. Hindi naman ako KAMPI, LAKAS, at hindi naman ako NP. Wala naman akong partido.

Sir political party yan ni Pres. Arroyo?

GORDON: I think LAKAS si Pres. Arroyo diba?

KAMPI sir, pero allied with PGMA?

GORDON: I don’t know who the people are and I think the proper thing to do would be to file a case against this person. It is just like Neri -- Neri should file a case against Abalos.

Sir, do you find it odd na ang KAMPI allied with GMA will push for the opposition member?

GORDON: I find it odd na si Ka Bel pa ang ia-approach nila at o-operan ( offer) ng P2M. I really find it odd.

Why sir?

GORDON: Syempre outspoken yan. Sisigaw yan kaya duda din ako doon. Kaya sabi ko para malinaw, file a case.

Pinagdududahan ninyo din si Ka Bel?

GORDON: Paano mo naman lalapitan kung maglalagay ka…Maglagay ka doon sa mga hindi maingay. Maingay yan. Kapag inoperan mo yan syempre sisigaw yan.

Pero bukod kay Beltran may iba pa yatang opposition congressman na umamin na tinangka din silang suhulan.

GORDON: Well, then they have a case. Magsama-sama sila at may kaso sila.

Paano kaya dapat mag react ang Palace sa ganito isyu?

GORDON: I don’t speak for the Palace. I am not even a member of their Coalition here. I just vote on the basis of the issues.

Pero ang naging kalakaran ay puro pera-pera lang talaga.

GORDON: Hindi ba yan ang uso sa Pilipinas. Pera-pera na lang palagi? Lahat naman diba. Tignan mo sa ZTE, may pera. Hello Garci may pera. Ganoon na lahat dito kaya nga kailangang baguhin ang lipunan.

Kahit dito sa Senate?

GORDON: I would not be surprised. There have been allegations like that with other senators in the past. Ang impeachment is a numbers game and that is why a lot of allegations will come out. Maraming ingay na lalabas dyan kaya dapat sukatin natin kung sino ang nagsasabi, ano ang sinasabi, seryoso ba yan. At para malaman nating kung seryoso, mag-file kayo ng kaso.

No comments: