While important bills and contentious issues remain unattended, Senate President Manuel Villar along with Senator Alan Peter Cayetano (and wife), his sister Senator Pia Cayetano, and Senator Nene Pimentel (and wife) are cooling their heals in Geneva, Switzerland.
What follows are Sen. Gordon's reactions to the Senatorial junket. (Excerpts from ambush interview on October 9, 2007)
Sir, ilan sa senador umalis para sa IPU ang leaving hanging po yun mga dapat na gawin…?
GORDON: Kailangan ba, everybody has to go to IPU? Look at the delegations and the accompanying people. You have a session until Wednesday. We have to have session and we cancel the session yesterday. Where are they this time. Ano pakisamahan na lang. Pagbigyan na natin. Pagbigyan mo na. Tahimik lang tayo.
Anong comment nyo sa Senate leadership kapag ganito lagi…?
GORDON: Dapat magkaroon ng liderato sa Senado na matino, na mayroon priority. Hindi puro imbestigasyon ng imbestigasyon na umaabot ng 12 hours na hanggang ngayon ay wala pang committee report. Dapat pwede na tayong makakita ng linaw dito sa mga nangyayari. Di pa ba malinaw sa tao? Kung talagang seryoso yan, dapat mag-initiate na sya ng filing ng kaso doon sa mga taong involved.
Kung kayo ang senate President ganoon ang gagawin ninyo?
GORDON: Hindi naman ako nag-a-aspire ng Senate President.
Kung sakali lang, dapat ganoon..?
GORDON: Ako ang uunahin ko, ano ba ang priority ng Senado? Hindi ako sumusunod doon sa mga senador, dapat namumuno ka—ito ang priority. Wala namang priority yata eh? Tatanungin ka kung ano ang priority tapos hindi naman umaandar. Katulad nito, para bang kailangang kausapin lahat at oo bago ka magkaroon… dapat iri-risk mo. Dapat Itutulak ko ito dahil kailangan ng bayan ito. Kung matalo eh di malalaman kung sino ang ayaw, hindi yung kailangan mag-OO muna ang lahat. Hindi pwede yun. Iyan ang kahinaan ng sistema, hindi lang sa Senate President. Kahinaan ng sistema dahil hindi umiiral yung policy system.
Hindi ba kayo nakakahalata na tuwing nag-a-adjourn lagi na lang nakabitin yung bill mo?
GORDON: Okey lang yun. Dismayado lang ako dahil parang naglolokohan tayo dito. Yung iba nagagalit sa porma pero yung substantive ay hindi hinahanap.
Noon ko pa sinasabi na bago mag-election na let us prepare for barangay. Nag-election ng Mayo—let’s prepare for barangay. We keep allowing our institutions to get away with it.
No comments:
Post a Comment